Hinarangan ng Israel ang pagpasok ng lahat ng humanitarian aid sa Gaza bilang pag-demand nito sa Hamas na sumang-ayon sa plano ng Estados Unidos sa pagpapalawig pa ng tigil-putukan.

Inihayag ng opisina ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagtanggi ng Hamas sa panibagong ekstensyon ng ceasefire matapos ang first phase nito.

Tugon ng tagapagsalita ng Hamas na isang “cheap blackmail” ang ginagawa ng Israel at isa itong kudeta sa ceasefire agreement kaya kanilang hinihkayat ang mga mediator na makialam.

--Ads--

Samantala, sang-ayon din ang mga grupo ng Palestinian sa second phase ng kasunduan kasabay ng pagpapalaya sa mga hostage at Palestinian prisoners at ang pag-atras ng mga pwersa ng Israel sa Gaza.