DAGUPAN CITY- Arestado ang tatlong suspek na umano’y gumahasa sa isang labing anim na taong gulang na dalagita matapos na matagpuan ang kanyang walang buhay na katawan sa sa isang pribadong lote na matatagpuan sa isang barangaysa bayan ng Bayambang.

Ayon kay Police Lieutenant (Plt.) Trisha Mae T. Guzman, Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, agad na nahuli ang mga suspek na kapwa mga residente rin ng bayan at kasalukuyang nasa kustudiya ng Bayambang Police Station para sa kakaharaping mga kaso ng mga ito.

Sa salaysay ng pamilya ng biktima ay umalis ito sa kanilang bahay at hindi na ito bumalik pa.

--Ads--

Sinubukan ng kanilang mga kamag-anak na hanapin ang biktima ngunit hindi agad natagpuan.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang katawan ng biktima upang malaman ang kabuuang detalye sa krimen.

Samantala, inaalam pa ng mga kapulisan kung mayroon pang ibang mga suspek sa krimen.