DAGUPAN CITY- Itinuturing bilang Friendship Day sa bansag Finland ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mhaye Blacer Fajanela, Bombo International News Correspondent sa bansang Finland, may ilang mga shopping center at mga establisyemento upang makiisa sa nasabing pagdriwang.
Aniya, may mga isinasagawang pagtitipon ang mga kababayang Pilipinong nasa Finland upang maisabuhay ang nakasanayang selebrasyon.
--Ads--
Dagdag niya, iba-iba rin ang estilo ng mga mamamayan sa nasabing bansa upang ipakita ang pagmamahal sa kanilang mga mahal sa buhay.