Kasalukuyang nagde-develop ang aktres na si Liza Soberano at ang dati niyang onscreen partner na si Enrique Gil ng isang kapana-panabik na proyekto na layuning iangat ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Kung pagbabahagi ni Liza na sinusubukan nilang makabuo ng konseptong maaari nilang gawin nang magkasama sa hinaharap.
Nagsimula naman si Enrique bilang producer noong 2024, habang inilunsad naman ni Soberano ang sarili niyang production company sa parehong taon.
Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Gil na interesado si Soberano sa horror film na kanyang pinaplanong iprodyus matapos ang kanyang Metro Manila Film Festival entry na “Strange Frequencies: Taiwan Hospital Killer.”
Inamin din ng aktor na umaasa siyang muling makatrabaho si Soberano, na kasalukuyang abala sa United States.