DAGUPAN CITY- Patunay na overwork at underpaid ang mga manggagawang Pilipino nang mapabilang ang Pilipinas sa may mababang work-life balance.
Ayon kay Elemer Labog, Chairman ng Kilusang Mayo Uno, sa isang pag-aaral ng International Labour Organization (ILO), ay kinokonsidera ang bilang ng oras ng pagtatrabaho at paano ito ginagamit ng mga manggagawa.
Aniya, matatawag nang overwork ang sumosobra sa kabuoang 48 oras ng pagtatrabaho sa buong linggo at may epekto na ito sa ‘occupational health’ ng mga manggagawa.
Sinasabi rin sa pag-aaral na nakakaapekto ang overworking sa psychological na aspeto ng manggagawa.
Kaya aniya, mas mainam ang 8-8-8 time management kung saan binubuo ito ng 8 oras sa trabaho, 8 oras sa pahinga, at 8 oras para sa personal na buhay ng manggagawa.
Kaya nakatutulong din ang pagkakaroon ng ‘work from home’ noong pandemya dahil sa mas nagkakaroon ng magandang oras ang mga manggagawa.