Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi sa stampede sa pinakamalaking religious gathering sa India.
Nangyari ang insidente habang ginaganap ang Kumbh Mela, isang hindu religious festival, sa Uttar Pradesh, sa northern India.
Nasira umano ang barrier sa holy bath sa syudad ng Prayagraj kung saan nauwi ito sa pagkasugat ng ilang mga debotante.
--Ads--
Sa pagsasalaysay naman ng isang pilgrim, patungo pa lamang siya sa ilog na paggaganapan nito nang biglang magsimulang magtulakan ang mga tao at natumba ang karamihan ng mga dumalo at nadaganan.
Dumating naman ang mga rescue team upang dalhin ang mga biktima palayo sa insidente.
Ikinakatakot naman ng mga residente na tataas pa ang bilang ng mga nasawi.