Sobrang abala ang mga tao partikular na sa bansang China kasabay sa pagdiriwang ng Spring festival o Chinese New Year ngayong araw.

Ayon kay Florence Ramirez Marzonia – Bombo International News Correspondent sa bansang China maagang nagsimula ang mga tao sa pagprepara ng mga handa.

Kung saan more on sa seafoods ang kanilang inihahanda dahil pinaniniwalaang swerte ito ngayong taon.

--Ads--

Bukod dito ay mayroon din silang mga handang manok ngunit karaniwan ay karne ng baboy.

Kaugnay nito ay hindi naman sila naghahanda ng 12 na prutas o ang tinatawag na prosperity bowl kundi nagsisindi lamang sila ng insenso o kandila bilang pagrespeto sa kanilang mga ancestors.

Habang ang iba naman ay nagsusunog ng perang papel o tinatawag na ‘pangpatay na pera’ na pinaniniwalaang matatanggap ng kanilang mga ninuno.

Bagaman at nasa counstryside sa bansang China ang kaniyang kinaroroonan kaya’t more on sa pagkain at pagpapaputok ang kanilang ginagawa.

Kaiba sa syudad na nagsasagawa ng mga programa gaya ng dragon dances, mga lanterns at decorations.

Samantala, ipinagbabawal naman ang paglilinis sa mismong araw ng selebrasyon kaya’t ipinagpapabukas muna nila ang mga ito.