DAGUPAN CITY- Hindi gaano naiiba ang pagseselebra ng mga Griyego sa Valentines Day sa nakasanayan ng Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sherwin Galagate, Bombo International News Correspondent sa Greece, hindi nawawala sa kanila ang pagpunta sa mga magagandang restaurant kasama ang kanilang mga mahal sa buhay tuwing February 14.

Aniya, kaya marami ang mga restuarant na nakakatanggap ng mga reservations.

--Ads--

Ginagamit na rin ang araw na ito bilang oportunidad ng isang lalaki para magpropose sa kaniyang kasintahan.

Gayunpaman, naiiba lamang na mas nauunang binibigyan ng bulaklak ang magulang ng kasintahan.

May iba naman na pinipili ng ilang magkasintahan na ‘hiking’ ang kanilang date, partikular na sa mga nagni-niyebeng bundok.

Samantala, ani Galagate, sa araw na ito ay patuloy pa rin ang mga pasok sa paarala at trabaho dahil karamihan sa mga Griyego ay ‘workaholic’.

Sa kabilang dako, naghahanda naman ng events ang ilang Filipino Community para magkaroon ng pagselebra ng Valentines Day.