Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga ahensya, lokal na pamahalaan, at paaralan upang magsagawa ng cybersecurity awareness nang maiwasan ang scam o kung paano matukoy ang uri ng scam.

Ayon kay Michael Ian Rabara, Information Systems Researcher III, at Cybersecurity Focal ng DICT R1, may mga iba’t ibang uri ng scam na naglipana.

Isa sa mga ito ay nakakatanggap umano sa email o iba pang social media accounts ng impormasyon na nagsasasabing nanalo ka ng papremyo kahit alam mo naman sa sarili mo na walang kang sinasalihang papromo.

--Ads--

Sunod nito ay kakailanganin mo ng magpadala o magdeposit ng pera para makuha ang premyo.

Madalas din umano na nabibiktima ang ilan sa phishing scam, smishing, at email phishing na kung saan ay idinadaan ito sa mga natatanggap na text.

Nagpapadala sila ng mga link o iba pang attachment na idadala ang mga biktima sa isang platorma na kung saan ay kailangan nilang maglagay ng kanilang mga personal na datos, kagaya na lamang ng username, password, social media accounts, at maging ang mga detalye ng inyong banko.

Aniya na sa oras na ito’y mapindot o mapasok, may malware na rin na nakapasok sa iyong kompyuter o telepono na maaaring maapektuhan ang buong laman nito o maaaring makopya ang ilan pa sa inyong mga datos o impormasyon.

Hindi rin mawawala ang mga nagpapanggap na nag-aalok ng trabaho o bilang legal na ahensya para sa investment.

Sa oras na kukunin na ang interes sa inyon nai-invest, manghihingi na rin sila ng kaukulang halaga.

Samantala, makakatulong naman aniya na magkaka-iba ang password na gagamitin sa bawat account.