Mga Ka-bombo! Pangarap mo bang makasakay ng erepolano at mag-travel sa ibang bansa?
Bakit hindi mo gayahin ang isang pusang ito mula sa New Zealand, kung saan nakarating ito ng bansang Australia gamit ang eroplano.
Isang pusa na si Mittens kasi ang naiwan sa isang nakakabahalang pangyayari nang maligaw sa isang eroplano.
Inaasahang makararating siya sa Melbourne, Australia mula Christchurch, New Zealand, noong Enero 13, ngunit nang dumating ang eroplano sa Melbourne ay wala na si Mittens.
Pagkatapos ng tatlong oras ng paghihintay, sinabi ng mga tauhan ng eroplano sa may-ari nitong si Margo Neas na nalaman nilang naiwan si Mittens sa eroplano, na nagbalik sa New Zealand.
Pinili ng piloto ng Air New Zealand na panatilihing komportable ang pusa sa loob ng eroplano sa pamamagitan ng pag-on ng heater sa kargo.
Pagdating sa Christchurch, agad siyang binangon at inilagay sa isang bagong eroplano pauwi sa Melbourne.
Bagama’t pumayat si Mittens, siya’y ligtas at muling niyakap ng may-ari.