Nasampahan na ng kaso ang suspek na nakasagasa kay Australian Members of Parliament Helen Haines.
Ang 43-anyos na si Brendan Nugent ay inaresto matapos na sagasaan si Haines.
Dinala sa pagamutan ang mambabatas at ito ay nasa stable na kalagayan matapos na ma-operahan.
--Ads--
Malaki ang hinala ng mga kapulisan na tinarget ng suspek ang mambabatas kaya niya ito sinagasaan.
Tiniyak naman ng kaanak ng suspek na sila ay makikipagtulungan sa mga otoridad habang tinutukoy pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente.










