Muling mag-aanunsyo ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo para sa ikatlong sunod-sunod na linggo bukas, araw ng martes, January 21.

Sa magkahiwalay na abiso, ang Caltex at Shell Pilipinas Corp. ay magtataas sa gasolina ng P1.65 kada litro, P2.70 naman sa diesel, at ang kerosene ay magtataas ng P2.50 kada litro.

Parehong presyo rin ang ipapatupad ng Cleanfuel, maliban na lamang sa kerosene na hindi nila dala.

--Ads--

Magkakabisa naman ang price hike bukas alas-6 ng umaga habang ang Cleanfuel naman ay bukas ng alas-4:01 ng hapon.