Dagupan City – Muling nagsagawa ang Lingayen Rural health office ng isang mass vaccination drive para sa anti-influenza at pneumococcal shots sa mga residente ng brgy Basing sa naturang bayan.
Ito ay ang pangalawang yugto ng bakuna sa layuning makumpleto ang mga bakuna para sa mga residente at maprotektahan sila sa mga sakit posibleng makuha Lalo na sa mga panahon na pabago bago ang temperature o di kaya ay malamig.
Kaugnay nito ay magtatalaga rin sila ng iskedyul sa iba pang mga brgy para sa pagapapabakuna kung saan target ang mga bata at mga sebior citizens.
--Ads--
Lubos naman ang pasasalamat ng tanggapan sa buong kooperasyon ng mga residente para sa pagpapanatili ng isang malusog na kumunidad.