Nagtipon-tipon ang mga iba’t ibang departamento sa bayan ng Bayambang upang pag-usapan ang mga isyu patungkol sa RA 11285 o ang Energy Efficiency and Conservation Act.
Dito ay tinalakay kung ano ang mga nararapat na gawing solusyon sa mga nabanggit na isyu.
Ang batas na ito ay isinasakatuparan ng lokal na pamahalaan upang magkaroon ng 10% savings sa energy consumption.
--Ads--
Nakapaloob ang GEMP or Government Energy Management Program sa RA 11285.
Upang ganap na maisakatuparan ang Local Energy Efficiency and Conservation Plan 2025-2027 sa bayan ng Bayambang, kinakailangan dito ang tulong ng Local Energy Efficiency and Conservation (EEC) Council.
Ipapatupad naman ito simula buwan ng Enero sa susunod na taon.