DAGUPAN CITY – Naaresto ang isang high value target individual matapos magkasa ng buy-bust operation ang PDEA-Pangasinan sa syudad ng Dagupan.

Ayon kay Rechie Camacho, Provincial Officer PDEA-Pangasinan inabot sila ng ilang buwan bago tuluyang mahuli ang suspek na hindi lamang priority target sa lalawigan kundi maging sa buong Region 1.

Kaugnay nito ay narekober nila ang ginamit na buy bust money, nakumpiska din ang kanyang cellphone at tricycle na ginagamit nito sa kaniyang ilegal na gawain.

--Ads--

Nagpositibo rin ang suspek sa isinagawang drug test.

Bagamat ay naging matagal bago tuluyang mahuli ang suspek ngunit dahil sa tulong ng confidential informant at concern citizens ay namonitor ang drug activities nito at kalaunay matagumpay na nahuli.

Sa ngayon ay ongoing pa ang pagsapinal ng kaso nito at matapos ang inquest proceedings ay ibabalik din ang suspek sa kanilang opisina.

Pagbabahagi naman nito na ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng concerned citizens at brgy. officials at hinihikayat din nito ang lahat na ipagbigay alam agad sa kinauukulan ang anumang ilegal na aktibidad na nangayayari sa kanilang nasasakupan.