BOMBO DAGUPAN – Dinagsa ng mga Overseas Filipino workers ang isinagawang medical mission ng Philippine Eagles Incorporated sa Saint Joseph Parish Church sa Garden Road sa Central Hongkong.

Ayon kay Marlon Pantat de Guzman, bombo international News Correspondent sa Hongkong, nagpamahagi sila ng Free degital thermomether kit with alarm sa nabanggit na medical mission.

Sinabi ni de Guzman na binuksan ito sa lahat ng aplikante ng Bagong Bayani Hongkong Executive EaglesClub/Lady Eagles Club.

--Ads--

Layunin ng community service na matulongan ang mga OFW sa Hongkong.

Binigyang diin nito na adhikain ng Philippine Eagle ang pagtulong sa kapwa tao.

Sinabi nito na isinagawa nila ang aktibidad sa tuwing Linggo dahil day off ng mga kababayan nila sa Hongkong.