Apat na Italian personnel ng European Union Force in Bosnia (EUFOR) ang kumpirmadong nasawi habang 11 iba pa ang nasugatan matapos bumagsak ang isang military helicopter sa rehiyon ng Brcko sa Bosnia.

Ayon sa European Union Force in Bosnia, nagsasagawa ng regular na training operation ang Chinook CH-47 helicopter nang mangyari ang aksidente sa lugar na nasa humigit-kumulang 180 kilometro sa hilaga ng Sarajevo.

Kinumpirma naman ng spokesperson ng Hospital, na may kabuuang 15 katao ang sakay ng helicopter at tatlo sa mga ito ang agad na binawian ng buhay sa pagbagsak ng helicopter.

Sa naunang pahayag ng Union, walang nasirang imprastraktura, ari-arian o sasakyan ng mga sibilyan at wala ring sibilyang nasugatan sa insidente.

Nagsimula ang misyon ng EUFOR sa Bosnia noong 2004, nang palitan nito ang NATO peacekeeping force na nakatalaga sa bansa matapos ang digmaan noong 1992 hanggang 1995.