BOMBO DAGUPAN – Pinarangalang youngest surfer ang anak ang actress na si Andi Eigenmann.
Si Lilo, 5, ay ang panganay na anak nina Andi at Philmar Alipayo.
Tulad sa kanyang ama, namana rin ni Lilo ang surfing skills ni Philmar.
--Ads--
Ginawaran kamakailan ng award at certficate si Lilo bilang youngest surfers sa Mayor Sol’s invitational surfing competition na idinaos sa Siargao.
Sa nasabi ring kumpetisyon itinanghal na kampeon si Philmar sa men’s longboard category.
Makikita sa kanyang video ang performance ng partner ni Andi.
Bukod kay Lilo ay may bunso pa sina Andi at Philmar, si Koa na nahihilig din sa naturang water sport.
Napag alaman na nagsimula umano ang bata sa surfing mula noong 2-anyos pa lamang nito.