BOMBO DAGUPAN- Wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang 37 anyos na lalaki sa barangay Acop sa bayan ng Rosales, sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PEMS Marlon Palaruan, Chief Investigator sa Rosales PNP, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na may problema ang biktima sa kanyang common-law wife at ilang buwan na silang hiwalay.
Bago ang kinitil ang buhay, ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, may kausap umano ito sa cellphone at sila ay nag aaway.
--Ads--
Napag alaman na umalis umano ang asawa dahil sa kahirapan sa buhay.
Dinala ang biktima sa Infirmary Unit sa bayan ng Rosales subalit,deneklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.