Tatlong sibilyan ang nasawi at siyam na iba pa ang nasugatan sa isang airstrike ng Israeli sa kabisera ng Syria na Damascus.

Nauna nang sinabi ng Syrian state television na isa sa mga presenter nito ang napatay sa isang airstrike ng Israel sa Damascus, hindi naman malinaw kung ang nasabing presenter ay kabilang sa tatlong sibilyan na binanggit sa ulat.

Ang Israeli air attack ay nagdulot din ng malaking pinsala sa mga pribadong ari-arian.

--Ads--

Ang Israel ay nagsasagawa ng mga pag-atake laban sa mga target na nauugnay sa Iran sa Syria sa loob ng maraming taon ngunit pinalakas ang mga naturang pagsalakay mula noong nakaraang taon noong Oktubre 7 na pag-atake ng Palestinian group na Hamas sa teritoryo ng Israel.