Sariling boyfriend ang itinuturing na suspek sa pagpatay sa isang estudyante na natagpuan ang bangkay nito sa may bahagi ng Baywalk sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Plt. Col. Amor Mio I. Somine, Officer in Charge, Lingayen PNP, bagamat nahuli na ang suspek ay hindi pa rin sila tumitigil sa pag follow up sa kaso.

Inaalam pa kung may iba pang suspek na gumawa ng krimnen

--Ads--

Sumasailalim na sa interogasyon ang suspek.

Positibo siyang kinilala ng isang testigo na isang vendor at base sa kanyang sinumpaang salaysay, naging customer niya ang biktima at madalas silang makita sa lugar.

Samantala, ayon pa kay Somine, maituturing umanong crime of passion dahil boyfriend nito ang suspek.

Bago ang pagkakatagpo sa bangkay ay huling nakitang kasama nito.

Nakatakdang isampa ngayong araw ang kaso sa prosecution office.