DAGUPAN CITY – Nasampahan na ng kasong frustrated murder ang 32-anyos na lalaki na suspek sa pananaksak sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Plt. Jailine D. Aquino ang Station Duty Officer at WCPD Officer ng Dagupan City Police Station na nakapagsubmit na sila ng mga proof of evidence na ipinasa na sa prosecutors Office sa Dagupan para sa kasong isinampa dito.

Kinilala ang suspek na si Allan Dispo Villacorta na residente sa Nueva St. Barangay 2&3 sa nasabing lungsod habang ang biktima nito ay kinilala namang si Reynaldo Malapit Solomon, 42 anyos, na residente sa Barangay Mamalingling.

--Ads--

Aniya na nangyari ang pananaksak noong sabado sa Barangay Mamalingling sa nasabing lungsod habang noong linggo lamang nahuli ang suspek.

Base sa pahayag ng biktima sa kanilang imbestigasyon na kasama umano nito ang kanyang pinsan na 18-anyos na backride nito gamit ang motor habang pauwi sa kanilang bahay ay tinambangan sila ng suspek kung saan humarang ito sa daanan nila kaya huminto sila at nilapitan sila ng suspek.

Dahil dito, pinuntirya umano ng suspek si Solomon kaya nasaksak ito sa kanyang dibdib ng isang bess gamit ang balisong.

Agad namang itinakbo ang nasabing biktima sa pagamutan kaya ito’y nabigyan ng paunang lunas.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na ito sa ospital.

Samantala, ang nakikita nilang motibo sa nangyaring insidente ay old grudge dahil sa usapin ng pagsasanla ng motor.