DAGUPAN CITY – Dead on arrival ang isang 28-anyos na lalaki sa bayan ng Laoac matapos malunod sa isang resort sa nasabing bayan na may lalim na 5ft.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMAJ. Jade Macaraeg COP, Laoac PNP dumating ang report sa kanilang himpilan bandang 5:30 ng hapon kung saan napag-alaman na nakita ng pinsan ng biktima ang katawan nito sa ilalim ng swimming pool na wala ng buhay.

Sinubukan pa itong i-revive subalit wala na itong response.

--Ads--

Agad naman itong dinala sa Urdaneta District Hospital ngunit sa kasamaang palad ay ideneklarang dead on arrival.

Kinilala ito na si Salvador Baltazar Aquino, 28 anyos at residente din ng nasabing bayan.

Kasama naman nito ang kaniyang pamilya at pinsan sa nasabing resort.

Lumalabas din sa imbestigasyon na nakainom ang biktima nang mangyari ang insidente.

Panawagan naman ni Macaraeg sa mga may beach resort sa bayan na gumamit ng mga life saver devices upang maiwasan ang ganitong pangyayari at para naman sa mga magtutungo sa mga ganitong pasyalan ay wag masyadong uminom ng alak.