Nasira ang isang imbakan ng bala sa kanlurang rehiyon ng Tver sa Russia sa pag-atake ng drone ng Ukraine na inilunsad magdamag .

Ayon sa Ukraine’s Security Service tinarget ng drone ng Ukraine ang Russian defense ministry-operated warehouse sa lungsod ng Toropets, kung saan nakaimbak ang mga Iskander tactical missile systems, Tochka-U tactical missile systems, guided aerial bombs at artillery ammunition.

Ang pag atake ay nagdulot ng malalaking apoy dahilan para iutos ni governor Igor Rudenya, ang partial evacuation sa area .

--Ads--

Ang pagsabog ay nakapagrehistro ng mahinang paglindol sa monitoring systems,

Naniniwala naman ang earthquake monitors na ang drone attack ay nagdulot ng seismic activity.

Nakita sa mga satellite image na kuha ng Maxar Technologies ang makapal na usok na nagmula sa ilang mga gusali ng imbakan, pati na rin sa iba pang mga gusali at kalapit na kagubatan.