Hinimok ng Sual Municipal Police Station ang publiko na manatiling mapagmatyag at isagawa ang mga pangunahing hakbang sa pag-iwas sa krimen upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa komunidad.
Pinayuhan ng pulisya ang mga residente na tiyaking ligtas ang kanilang mga tahanan at mahahalagang gamit, maging alerto sa kapaligiran, at umiwas sa mga kahina-hinalang gawain o sitwasyon.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng agarang pag-uulat sa mga awtoridad ng anumang insidente ng krimen o kahina-hinalang kilos upang agad itong maaksyunan.
--Ads--
Ayon sa Sual PNP, mahalaga ang pakikiisa at pagiging responsable ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan.










