BOMBO DAGUPAN– Inaresto ang chief executive ng Aricell, isang kumpanya ng lithium battery sa South Korea,kaugnay ng isang malaking sunog sa pabrika noong Hunyo na kumitil ng 23 buhay at nagdulot ng pinsala sa siyam na iba pa.

Noong Miyerkules, pinayagan ng korte ang warrant para sa pag-aresto kay Park Soon-kwan.

Ayon sa mga imbestigador, hinihinalang may mga paglabag sa mga alituntunin sa kaligtasan sa lugar ng trabaho ang pamunuan ng Aricell.

--Ads--

Ang sunog na ito ay itinuturing na isa sa pinakamalubhang sakuna sa mga pabrika sa South Korea sa mga nagdaang taon.

kagad namang humingi ng tawad si Park at ipinaabot na sila ay nalulungkot sa pagkawala ng mga buhay.