Dagupan City – Nagpapakita lamang na handa ang hanay ng kapulisan sa ginawang paglusob ng mga ito na kibibilangan ng libu-libong uniform personnel sa anumang banta ng Kingdom of Jesus Christ members.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan.

Aniya, hindi dapat ina-underestimate ang kakayahan ng mga ito dahil iba ang impluwesya ng relihyon sa isang indibidwal.

--Ads--

Binigyang diin naman ni Yusingco na hindi applicable ang separation of religion sa nangyayari dahil ito ay isang imbistigasyon sa isang kriminalidad na ginawa sa bansa.

Bama’t may imbistigasyon nanindigan naman ito kailangan pa ring irespeto ng hanay ng kapulisan ang sanctity ng lugar.

Kung sakaling magreklamo naman aniya ang samahan, kinakailangang patunayan ng mga miyembro doon na ang pagpasok ng hanay ng kapulisan ay hindi dumaan sa tamang paraan gaya ng nambastos o nanira na lamang ng bastsa-basta.

Samantala, naniniwala ang Philippine National Police PRO – 11 na maaaresto nila ngayong araw ang nagtatagong puganteng pastor na si Apollo Quiboloy at ang mga kapwa akusado nito.