Dagupan City – Nadatnang wala ng buhay ang isang 25 anyos na lalaki sa labas na kanyang tinitirhan sa kanyang pinagtatrabuhan sa Brgy. San Miguel, Calasiao, Pangasinan.

Sa naging panayam kay Plt. Col. Ferdinand Soriano Lopez, COP Calasiao Municipal PS, kinilala ang biktima na isang stay-in helper at residente ng Brgy. Cangharay, Jimalalud, Negros Oriental.

Kung saan natagpuan siyang may bula na sa kaniyang bibig.

--Ads--

Base sa salaysay ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho, matapos mag-inom ng mga ito ay nauna nang umalis ang biktima.

Hanggang sa kinaumagahan, dakong alas-8 ng umaga sa araw ng insidente, nahanap ito sa labas ng kanilang tirahan na wala ng buhay.

Lumalabas naman sa kanilang inisyal na imbistigasyon na kinitil nito ang kanyang buhay, matapos magtapuan sa crime scene ang gamot na isang uri ng insecticide na kaniyang ininom at siya namang dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Bukod dito, natagpuan din ang telepono ng biktima at nakita ang mga mensahe ng kanyang kasintahan na nagpapakita ng hindi pagkakaunawan ng dalawa.

Dinala pa naman ito sa Rural Health Unit Calasiao, ngunit dineklara rin itong dead on arrival.