BOMBO DAGUPAN – Dumarami ang bilang ng mga senior Democrat na sumusuporta kay Kamala Harris na maging kandidato sa pagkapangulo ng partido, pagkatapos umatras si US President Joe Biden sa halalan sa Amerika.

Kasama sa kanyang mga tagasuporta sina Gavin Newsom at Pete Buttigieg, na sila mismo ay tinaguriang posibleng mga nominado.

Matatandaan na umatras ang 81 anyos na Pangulong Biden sa halalan na gaganapin sa buwan ng Nobyembre.

--Ads--

Umatras ito matapos ang ilang linggong panawagan na bumaba na ito at maghanap ng bagong kandidato na tatakbo para sa pwesto.

Samantala, mananatili pa si Biden bilang pangulo ngunit sinabi Republican nominee, Donald Trump, na kung hindi nito kayang pamahalaan ang kanyang opisina ay mas lalong hindi niya kayang pamunuan ang bansa.