BOMBO DAGUPAN – Magkakaroon ng rollback sa presyo sa kada litro ng diesel at kerosene habang maaaring tumaas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo.
Base sa oil trading sa nakalipas na apat na araw, sinasabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na maaaring walang adjustment o tumaas ng P0.20 kada litro ang presyo ng gasolina kung saan posible namang bumaba ang presyo ng diesel ng P0.30 hanggang P0.60 kada litro, at kerosene ng P0.60 hanggang P0.70 kada litro.
Samantala, ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
--Ads--