BOMBO DAGUPAN – Kung paglilinis lamang ng ngipin ang usapan, aba ay huwag ka nang magtatangka na pilitin ang may ayaw.

Isang Llama kasi sa Bangor, Maine sa Estados Unidos na nagngangalang Jeffrey ang tumakas sa mismong araw na nakatakda itong magpalinis ng ngipin dahil nahihiya daw ito na malaman ng kanyang  mga kasama sa farm na posibleng  hindi natuloy sa pagsipilyo at pag-floss ng dalawang beses sa isang araw si Jeffrey.

Ayon sa kanyang  amo na si Rina Pesner, may-ari ng Rebels Homestead farm sa Bangor, na binuksan niya ang gate sa kulungan ng kanyang mga hayop upang papasukin ang isang beterinaryo upang bigyan ang kanyang llama na si Jeffrey, ng paglilinis ng ngipin.

--Ads--

Subalit tumakbo ito sa bukas na gate at umalis sa kalsada.

Agad naman na tumugon ang Police Department Animal Control Officer dahil sa ulat na may nakawalang llama sa kanilang lugar.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nakatakas na alagang hayop ang may-ari  bagamat noong hindi na-upgrade ang kanyang mga bakod ay dalawa sa kanyang mga baboy ang lumabas para gumala at nauwi lamang sa kanilang bahay sakay ng kotse ng pulis.