Dagupan City – Malaking katanungan ngayon sa nitizens kung ano na nga ba ang status ng actress na si Kyline Alcantara at ng basketball player na si Kobe Paras.

Lumalabas kasi sa mga speculations na may namamagitan kay Kyline at Kobe kung saan nagsimula ang usap-usapan nito lamang Mayo ngayong taon (2024.)

Nakita kasi ng mapanuring mata ng mga nitizens ang pagkakapareho ng mga larawan na inupload sa social media accounts ng dalawa.

--Ads--

Ayon sa isang nitizen, mala-lowkey girlfriend reveal ang ipinost ni Kobe kung saan ay may kamay ng isang dalaga na may singsing na kapareho ni Kyline.

Nang tanungin naman si Kyline sa isang panayam kung kumusta na nga ba ang estado ng kaniyang puso. Sagot nito, Masaya, dahil maraming blessings na dumarating.