Dagupan City – Isa ba kayo sa mga nahuhumaling sa mga ipinopost sa social media patungkol sa pag-romanticize sa yumaong aktor na si Rico Yan?

Si Rico ay dating matinee idol na pumanaw sa Dos Palmas Resort sa Palawan, noong March 29, 2002msamedad na 27.
Ayon sa ulat, hindi ikinatuwa ng akres na si Jessy Mendiola ang paggamit ng ilang netizens sa kay Rico para sa kanilang digital content.

Sa social media post ni Jessy, ni-repost nito ang isang social media post tungkol sa pangyayaring hindi kanais-nais. Kung saan ang kaakibat nitong caption na hindi kaaya-aya ang ginagawa ng naturang netizens.

--Ads--

Binigyang diin nito na hindi na raw nirespeto ng mga ito ang namayapang aktor gayundin ang pamilya nito.

Makikita kasi sa post na sunud-sunod na nag-uploads ang ilang netizens ng video at pictures na kuha sa pagdalaw nila sa puntod ni Rico sa may Manila Memorial Park.

Kahit hindi naman naabutan ng ibang netizens si Rico noong nabubuhay pa ito, naging trending topic ang aktor sa mga kabataan dahil sa paghanga umano nila. Agad naman itong kinwestiyon ng mga social media users din sa kung ano nga ba ang motibo ng ilang nag-post kung ito ba talaga ay paghanga o dahil lamang sa clout.