Dagupan City – Nasawi ang 40-anyos na Overseas Filipino Worker matapos na pagbabarilin sa bayan ng Malasiqui.

Ayon kay PCapt. PCapt. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng Pangasinan PPO nangyari ang insidente kahapon ng hapon (Hulyo 7, 2024) habang binabaybay nito ang kakalsadahan sa bahagi ng barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa kasalukuyan, inaalam pa rin kung ano ang motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod nito.

--Ads--

Paalala naman nito sa publiko, kapag may nangyaring insidente gaya ng nabanggit ugaliing itawag at ipabigay alam ito agad sa kanialng himpilan nang sa gatyon ay agad na maaksyunan ang insidente.