Kawili-wili ang kaganapan ng isang tila ‘paw-room’ sa Doodlepalooza event na naitalang largest dog pool party sa Las Vegas, Nevada, USA.
Kung saan nagtipun-tipon ang kabuoan ng 296 ang iba’t ibang breed ng mga alagang aso at nagkaroon ng pagkakataong magbabad sa sikat ng araw – at makahanap ng mga bagong kaibigang “paw-some” habang malayang naglalaro at lumalangoy sa lawak ng 41-acre park.
Ang nasabing aktibidad ay kasunod ng naunang Doodlepalooza event noong nakaraang taon sa pangunguna ng Doodle Rescure USA founder na si Sheedvash Michael Zargari kung saan nasa 200 doodles ang nakilahok.
Matapos ang matagumpay na pagtatayo ng rescue center sa nakaraang aktibidad, sinikap ng kanilang ahensya kasama sa pakikipagtulungan sa We Love Doodles ang magkaroon ng karagdagang aktibidad at mga papremyong ipapamigay kasabay ng pangangalap ng pondo para sa kanilang non-profit organization habang sinusubukang makakuha ng titulo sa Guinness World Records.
Sa pagtatapos naman ng programa, sumabak sa swim wear competition ang mga nakilahok na paw-dorable habang binibida ang kanilang pangmalakasang swim suit costumes.
Samantala, ang nanalo sa nasabing patimpalak ay nasungkit ang titulong Miss Doodlepalooza suot ang sash at korona sa isang malakasang dog walk.










