Dagupan City – ‎Epektibo ngayong araw ng Martes, ang panibagong dagdag-presyo sa gasolina, kasunod pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na iniuugnay sa tensyon sa Middle East.
‎
‎Ayon kay Ricky Imuan, Federation of Toda sa Mangaldan, Tinatayang 20 porsyento ng mga miyembro ng TODA ang hindi na kasalukuyang bumabyahe dahil hindi na sapat ang kanilang kinikita para matustusan ang araw-araw na operasyon na lalo umanong nagpahirap sa mga driver sa kanilang pang araw-araw na kita dahil sa mataas na gastos sa gasolina.
‎
‎Dahil dito, pinag uusapan na ng federation na ilapit sa sanguniang bayan ang kanilang hinaing at humihiling ng dagdag na limang piso sa pamasahe. Kasalukuyang kasi umanong nasa 20 hanggang 25 piso ang pasahe ng mga tricycle, depende sa layo ng biyahe, na ayon sa grupo ay malaking bahagi ay napupunta na lamang sa pambili ng gasolina.
‎
‎Dagdag pa ni Imuan, hindi pa kasi umabo nadadagdagan ang pamasahe sa bayan mula nang makaranas ng bigtime oil price hike noong buwan ng Marso.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin, ilang dating bumabyahe ang napipilitang maghanap ng ibang pagkakakitaan habang hinihintay ang magiging tugon ng lokal na pamahalaan sa kanilang hiling na dagdag-pasahe.
‎