Pinangunahan ni Cabinet Secretary Abalos ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan sa mga LGU at barangay sa ilalim ng bawat bayan makikinabang program ng national government.

Kung saan umabot sa P266.6 milyon ang assistance ang inilaan para sa mga barangay sa buong lalawigan sa ilalim ng programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinopondohan sa ilalim ng Social-Civic Projects Fund (SCPF).

Ayon kay Cabinet Secretary Abalos, mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng national government at mga lokal na opisyal upang mas mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad.

Dagdag pa niya, mahalagang maramdaman ng mga mamamayan ang presensya ng gobyerno hindi lamang sa mga sentrong lungsod at munisipyo kundi hanggang sa mga barangay.

Dahil dito, hinimok din niya ang mga lokal na opisyal na huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan sakaling may mga pangangailangan o usaping kailangang maihatid sa national government.

Samantala, nagpasalamat naman si Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III sa national government at kay Pangulong Marcos sa pagpapatupad ng programa.

Kinilala rin niya ang naging papel ni Cabinet Secretary Benhur Abalos, na tinukoy niyang “anak ng Pangasinan,” sa patuloy na pagtutulungan upang maihatid ang mga benepisyo ng pamahalaan sa mga Pangasinense.