Dagupan City – Ikinabit na ang mga signboard sa paradahan ng ating mga Tricycle Driver sa bayan ng Mapandan.

Ito kaugnay sa layuning pagandahin ang harapan at gawing mas organisado ang pamilihang bayan.

Pinangunahan naman ito ni Mapandan Mayor Karl Christian Vega, kung kaya’t ngayon ay makikita na ang mga nasabing karatula na nakikita namang hindi na mahihirapang hanapin ng mga sasakay sa mga tricycle na bibiyahe patungo sa pupuntahan nilang barangay sa bayan.

--Ads--

Bukod dito, unti-unti na ring inumpisahan ng pamahalaang lokal ng Mapandan ang pagkakabit ng mga sticker sa mga tricycle na nagparehistro ng tama.

Ang initiatibong ito ay upang makaiwas sa mga kolorum at maprotektahan ang mga pasahero sa banta ng mataas na singil.