Dagupan City – Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na pananatilihin ang mga drug-cleared barangays sa kanilang nasasakupan.

Ito ay kaugnay sa inisyatibang maging tuloy-tuloy ang adbokasiya laban sa iligal na droga.

Kauugnay nito ay nagsagawa na rin sila ng workshop ukol sa Barangay Drug-Clearing Program bilang pakikiisa sa adbokasiyang wakasan ang paglaganap ng iligal na droga.

--Ads--

Naging daan naman umano ito upang magbigay ng oportunidad sa mga Barangay Councils na malaman ang proseso kung paano idineklarang Drug-cleared ang kanilang mga sakop na barangay pati na rin ang iba pang requirement sa pag-apply dito.

Samantala, patuloy naman ang adbokasiya sa lungsod bilang tinaguriang sentro ng komersyo at kalakalan ang Dagupan City sa Northern Luzon.