Dagupan City – Ikinagulat ng mga nitizens ang balitang Nag-follow-han na sa social media platform sina Alexa Ilacad at Mika dela Cruz matapos ang ilang taong hindi pag-iimikan noon.

Ikinatuwa ito ng marami sa kanilang tagahanga, na naniniwalang posibleng manumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa, lalo na ngayong si Mika ay kasal na kay Nash Aguas, na dating ka-love team at na-link kay Alexa.

Hanggang sa makitaan ng chemistry sina Alexa at Nash kaya sila pinagtambal. Bukas sa publikong inamin nina Alexa at Nash na higit pa sa magka-loveteam ang turingan nila sa isa’t isa noon dahil sila ay magka-MU o mutual understanding.

--Ads--

Hanggang noong July 2018, naging laman ng balita ang pagkabuwag sa tambalang nabuo nina Alexa at Nash na NLex. Naintriga noon ang kanilang relasyon dahil inisip ng ilang netizens na si Mika ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Nash at Alexa.

At sa kasalukuyan, si Alexa naman ay aminadong natutuwa sa presensiya ng ka-loveteam na si KD Estrada na nanliligaw rin sa kanya ngayon.