BOMBO DAGUPAN – Tinamaan ng maraming buhawi ang ilang mga lugar sa Estados Unidos dahilan upang masira ang ilang mga kabahayan sa mga lugar na apektado.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rufino Pinoy Gonzales – Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos hindi daw maintindihan ang weather disturbance bagama’t ay hindi pa naman summer sa Amerika subalit nagkaroon na ng buhawi.

Aniya na kapag ang mainit at malamig na hangin ay nagbanggaan ito ay nagreresulta ng isang buhawi kung saan ay nakaranas din sila sa Texas kung saan siya namamalagi.

--Ads--

Kaugnay nito ay naging mabilis naman ang naging tugon ng gobyerno ng amerika at agad na dinala sa evacuatin center ang mga apektado ng nasabing buhawi.

Nagbigay din sila ng karagdagang tulong tulad ng pagkain at financial assistance.