DAGUPAN, City- Sa kabila ng pagiging agresibo ng koponan ng Saudi Arabia hindi pa rin nito nagawang talunin ang katunggaling bansa na Mexico.

Ayon sa panayam kay Bombo International News Correspondent Ferdinand Gueco, dahil sa mga manlalarong na-injure nagkaroon ng kakulangan ng miyembro ang naturang bansa na siyang nakadagdag sa dahilan kung bakit sila natalo.

Matatandaan na sa kanilang makaraang pagkapanalo ay nagbigay pa ng holiday ang gobyerno ng Saudi Arabia para sa mga manggagawa dahil sa sobrang tuwa nila.

--Ads--

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na sila makakapasok sa mga kwalipikadong tutungo sa knockout ngunit ayon kay Gueco, sa kabila nito patuloy paring umaasa ang naturang koponan na makabawi parin sa susunod na pagkakataon.

Bagamat nagwagi ang ranked number 13 na Mexico ay hindi pa rin sila nakapasok sa last 16 dahil sa lamang pa rin sa points ang ranked number 51 na Saudi Arabia.

Nagtala ng goal sa Mexico sina Henry Martin at Luis Chavez sa second half ng laro na na ginanap sa Lusail Stadium.

Kinailangan kasi ng Mexico na magtala ng tatlong puntos para malampasan ang Poland at makapasok sa last 16.