DAGUPAN, CITY— Aminado ang bagong kampeon sa WBC international bantamweight title na si Vincent Astrolabio na nahirapan at hindi inexpect ang knockdown nito konta kay Guillermo Rigondeaux sa kanilang bakbakan sa Dubai Marina.


Ayon kay Astrolabio, talaga namang mabilis at magaling ang taktika ni Rigondeaux ngunit sa kanilang ginawang taktika ay nagkaroon umano ng pressure sa parte ng kanyang kalaban.


Ibinunyag din niya na pinag-aralan nila ng maigi ang istilo ni Rigondeaux sa mga nakalipas nitong laban at napaghandaan nila ito ng maayos.

--Ads--


Masaya naman si Astrolabio sa naging panalo nito at nagpasalamat ito sa mga tao na naniniwala sa kanyang kakayaan lalo na at ito ay iniaangkla ngayon bilang susunod sa yapak ni Manny Pacquiao sa larangan ng boxing.


Matatandaang matapos ang 10 rounds ng bakbakan, binigyan ng mga hurado ng 95-94 score pabor kay Astrolabio, na mayroon na sa ngayong 17-3 record na may 12 knockouts habang si Rigondeaux naman ay mayroon nang 20-3 record na may 13 knockouts.