DAGUPAN, CITY— Nasawi ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos na malunod sa isang sapa sa barangay Tocok sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.
Nangyari dakong alas-6 ng gabi ang insidente at naireport na 30 minuto ang nakalipas kung saan batay sa imbestigasyon ng kapulisan ng himpilan ng San Fabian, naiwan ng inang si Jeaneath Pereras na naglalaro sa labas ng kanilang tirahan ang biktimang si JP Pereras malapit sa isang sapa.
Makalipas ang ilang minuto, napansin ng kanilang kapit-bahay na nakalutang na sa naturang sapa ang katawan ng bata at dali-daling humingi ng tulong.
Isinugod pa ang biktima ng kanyang ina sa San Fabian PS at pagkatapos ay dinala sa Region 1 Medical Center sa siyudad Dagupan ngunit idineklarang Dead on Arrival (DOA) ng doktor. (with reports from: Bombo Everly Rico)