DAGUPAN-Patuloy parin ang SSS Dagupan Branch sa pamamahagi ng maximum na 20,000 na cash benefit para sa mga displaced workers.

Ayon kay Joy Lim, assistant branch head ng SSS Dagupan, ang matatanggap ng mga nawalan ng trabaho ay depende sa kanilang contribution bilang isang sss member.

Kabilang dito ang lahat ng sss members na nawalan ng trabaho sa mga pribadong kumpanya at ang mga ofws at kasambahay na nawalan ng trabaho hindi lamang dahil sa covid19.

--Ads--

Saad pa nito na nang dahil sa pandemyang kinakaharap sa covid19 ay tuloy tuloy at mas dumami pa ang nawalan ng trabaho na isang pagsubok sa sss ngunit nakalaan naman ang budget para sa pagtaas ng mga magfifile nang unemployment benefits.

Aminado si Lim na napakalaki parin at patuloy ang pagtataas ng mga nagfifile para sa cash benefit halimbawa na lamang dito ay ang mga repatriated na nasa barko, nagsarang mga kumpanya at ang mga nasa aspeto ng turismo na nawalan ng trabaho.

Sakanilang himpilan din ay nakakatanggap ng higit sa isang daan na aplikante ang isang prosesor online

Para naman sa proseso ng mga nais mag-apply ng cash benefit na ito ay nararapat na magreregister sakanilang website, gumawa ng account at sundan ang mga dapat gawin online.

Dapat din ay may bank account o single savings account na nakaregister sa bank enrolment module dahil ang disbursement nito ay sa pamamagitan ng bangko

Joy Lim, Assistant branch head – SSS Dagupan

Kailangan ding kumuha sa dole ng certification ngunit bago ito makuha ay dapat kukunin muna ang certificate of separation mula sa kanilang employer