DAGUPAN CITY– Nagsauli ng napulot na pera ang ilang traffic enforcers ng Public Order and Safety Office (POSO) sa bayan ng Urbiztondo habang nakaduty.

Ayon kay P/Maj Michael Datuin, Officer in charge ng Urbiztondo PNP, napulot ng mga traffic enforcers ang perang nagkakahalaga ng 9,000 pesos na nalaglag ng isang pasahero ng pumapasadang tricycle.

Nabatid na nakita pa nilang may namulot na babae sa mga perang nahulong ngunit dahil nakita at alam ng traffic enforcers na hindi niya ito pagmamayari ay kinuha nila ang pera mula sakanya at agarang dinala sa police station.

--Ads--

Ayon pa sa hepe, umiral ang pagiging makatao ng mga traffic enforcers kayat naawa ang mga ito sa nagmamay-ari ng pera. Matapos dalhin ang pera sa police station ay ipinost nila ito sa social media upang makita ng may ari.

Nang makita ito ng nagmamay-ari ng pera na kinalaunan ay kinilalang si Veronica Ortega Tecson, agaran itong pumunta sa police station upang makuha ang kaniyang nawawalang pera.

Ipinagmamalaki ngayon ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Urbiztondo ang ginawa ng mga enforcers.

Sa kasalukuyan, patuloy na umaani ng kaliwa’t-kanang papuri ang nakakamit ng mga ito lalo na sa social media.

Sa katunayan maging ang alkalde ng bayan na si Mayor Martin Raul Sison II ay galak na galak sa ginawa ng mga traffic enforcers at ipinagmalaki pa ang mga ito sa social media.

Ayon naman kay P/Maj Michael Datuin, Officer in charge ng Urbiztondo PNP, labis niyang ipinagmamalaki ang mga ito dahil may kalakihan din ang pera na kanilang napulot subalit hindi nila ito pinaginteresan.

P/Maj Michael Datuin, Officer in Charge – Urbiztondo PNP

Nabatid na ng biktima na kinilalang si Veronica Ortega Tecson, sakay noon ng tricycle at pumunta dito sa lungsod ng Dagupan dahil may importante itong bibilhin ngunit nagtaka ito na wala na ang kaniyang dalang pera na napulot ng ilang mga traffic enforcers.

Matapos na makipag-ugnayan sa mga otoridad hinggil sa nawawalang pera, mismong ang mga nagmabuting loob na traffic enforcers ang nagsauli ng napulot na pera sa may ari na lubos na ipinagpapasalamat at ikinatuwa nito sa Police station ng bayan.