DAGUPAN CITY–Sumuko na sa mga otoridad ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa mag -asawa sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Una nang nahuli ng pulisya ang mga suspek na sa pagpatay sa mga biktimang si Rogelio at Myrna Mamuyak na kinilalang sina Jose Samson, Lilibeth Samson at Gabby Maganti at sumuko na rin ang isa pang suspek na si Lolita Samson

Lumabas sa otopsiya na nagtamo ang biktimang babae ng 19 na saksak sa katawan habang 8 ang saksak sa katawan ng kanyang asawa.

--Ads--

Ayon sa pulisya may dati ng alitan ang mga suspek at mga biktima
Sinampahan na ng patung patong na kaso ang mga suspek.

Matatandaan na namatay ang mag asawang Mamuyak na mga residente ng Brgy Domalandan West sa bayan ng Lingayen matapos na pagsasaksakin ng kanilang mga kapitbahay.

Mula sa kanilang bahay ay kinaladkad at pinagsasaksak ang isa sa mga biktima patungo sa bukirin, halos 10 metro ang layo sa tahanan ng mga ito.