DAGUPAN CITY– Dalawampung bagong recoveries, 4 na nagpositibo at isang nasawi ang naitalang kaso ng Covid 19 sa lalawigan ng Pangasinan .
Ayon sa Provincial Health Office (PHO), kabilang sa mga bagong kaso ay ang 50-taong gulang na lalaki mula sa Manaoag, 37-taong gulang na babae mula sa Pozorrubio, 32-taong gulang na lalaki mula sa Urdaneta, at 52-taong gulang na lalaki mula sa Basista.
Samantala, isang 81-taong gulang na babae naman mula sa bayan ng Malasiqui ang nasawi dahil sa COVID-19 .
--Ads--
Sa kasalukuyan, umabot na sa 254 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 183 ang naka-rekover, 59 ang kasalukuyang naka-confined, at 12 naman ang namatay.
Ang 219 ay mula sa mga bayan ng Pangasinan at 40 naman mula sa Dagupan City.