Inihayag ng Land Transportation Office Region 1 na isa sa pinaka mahirap na parte ng kanilang ginagawang adjustment sa ngayon ay ang ‘crowd control’ sa mga LTO district offices sa kabila parin ng epekto ng covid 19.
Ayon kay Kathleen Salayog, Asst. Regional Director ng LTO Region 1, simula umano ng magresume ang operasyon ng kanilang tanggapan ay araw araw narin na nagdadagsaan ang mga kliyente kaya naman dito sila nahirapan lalo na at mas maraming kailangan ipatupad na mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.
Kaya naman nagkaroon na ng scheduling system kung saan binabantayan kung ilan lamang ang kinakailangan at dapat na ma-transact sa loob ng isang araw upang magkaroon ng kabawasan sa dami ng mga dumarating sa mga district offices.
Strikto na rin itong ipiapatupad dahil kung hindi makontrol ay malaki ang tsansa na magkakaroon pa ng mas malaking problema hindi lang sa kanialng mga operasyon kundi lalo na sa kaligtasan at posibleng health risks kaugnay rito.
Dagdag pa ng opisyal, ang mga district offices din umano ang nagtakda ng limit kung ilan lamang ang kayang tanggapin upang hindi magkaroon ng pagsisiksikan sa loob ng mga opisina na direktang paglabag sa physical at social distancing.
Nagpatupad na rin ng adjustment sa kanialng operating hours na mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon na lamang dahil mayroon paring mga curfew at kakulangan ng PUVs kaya naman kononsidera din ito upang hindi maisaalang alang ang kalusugan ng mga kliyente at kanila mismong mga empleyado.




