DAGUPAN CITY-Umabot na sa 163 ang recoveries sa sakit na covid 19 dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos makapagtala ng anim na recovered patient ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Ang lima sa mga gumaling ay puro lalaki mula sa Malasiqui: 38-taong gulang, 23-taong gulang, 21-taong gulang, 19-taong gulang, at 23-taong gulang.

Kabilang rin sa recovered patient ang 28-taong gulang na lalaki mula sa bayan ng Basista.

--Ads--

Sumatotal, 239 ang kumpirmadong kaso sa lalawigan kung saan 65 na pasyente ang kasalukuyang naka-confined, at 11 naman ang namatay.

Samantala, nadagdag sa datos ng mga bagong nagpositibo ang isang residente ng Bayambang.

Siya ay isang 25 anyos na babae na nagta-trabaho sa bayan ng Rosales. Ang pasyente ay nakatira sa Brgy. Sancagulis subalit hindi pa siya nakakauwi ng Bayambang mula Mayo 2020.

Asymptomatic ang pasyente kaya siya ay kasalukuyang naka- quarantine sa bayan ng Rosales.

Siya at ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na nakatira sa parehong boarding house ay binabantayan ng mga DOH personnel at sinisiguradong naka-strict quarantine.

Samantala nakapagtala ng pangalawang kaso ng covid-19 ang bayan ng Alcala. Ito ay 28 anyos na lalaki mula sa Brgy. Anulid at empleyado ng isang kilalalang mall sa isang bayan.